| Alamat o Folktale |
Ano ang Alamat?
Ang alamat ay isang uri ng kwento na
ipinamana ng ating mga ninuno. Binubuo ito ng mga paliwanag kung paano
nagkaroon o nagsimula ang isang bagay, lugar, hayop, o tao sa ating paligid.
Madalas, ito ay may kasamang aral at nagpapakita ng kaugalian ng mga Pilipino.
Para saan ang alamat?
- Nagpapaliwanag ng
pinagmulan ng mga bagay
- Nagtuturo ng
mga aral at magandang asal
- Nagpapakilala ng
kultura ng ating mga ninuno
Paano nagkakaiba ang alamat sa ibang kwento?
- Tumutukoy
ito sa pinagmulan ng isang bagay
- Kadalasan,
may kakaibang pangyayari o kapangyarihan
- Simple
at madaling tandaan ang kwento
Halimbawa ng mga Sikat na Alamat
1.
Alamat ng Pinya
·
Kwento tungkol kay Maria na naging pinya
dahilan ng kanyang pagiging matanong. Sinasabing kaya may "mata" sa
pinya ay dahil pinarusahan siya sa alamat.
2.
Alamat ng Sampalok
·
Isang adlaw na puno na nagkaroon ng asim dahil
sa pangyayari sa isang kwento o sumpa
3.
Alamat ng Bulkang Mayon
·
Nag-ugat mula sa kwento ng pag-ibig nina
Magayon at Panganoron na nauwi sa trahedya kaya "Mayon" ang pangalan
ng bulkan.
Upang Lubos Maunawaan:
Isipin na bawat alamat ay parang detalyadong sagot sa
tanong na "Bakit ganyan ang itsura ng..." o "Saan galing
ang..." Ipinapakita nito ang galing at talino ng ating mga ninuno sa
pagbibigay paliwanag gamit ang imahinasyon.
Next: Elemento ng Alamat